Friday, September 4, 2009

Ang Simbolo ng Kulay

“ Pagkakaisa at Kaunlaran,

Hangad ng bawat Pilipino ”


Ito ang bagong simbolo ng ating bandila, at kasaysayan na ang nagsasabi ng bawat kahulugan ng bawat kulay ng ating watawat. Ito sa aking palagay ang ibinigay ng tadhana para tayo ay mamulat sa maling pagpili ng ating mga pinuno.


Si NINOY ang sumisimbolo ng katapangan, ibinulgar niya ang mga katiwalian ang administrasyong MARCOS upang siya ay makulong ng matagal. Pinalaya upang magpagamot sa Amerika ngunit hindi nakatiis at bumalik sa ating bansa upang ipagpatuloy ang kanyang laban kahit alam niya ito ay maari niyang ikamatay at ang kasunod na nga nito ay kasaysayan. Siya ang kulay PULA sa ating bagong kasaysayan KATAPANGAN upang labanan ang mga umabuso sa katungkulan.

Namulat tayong mga Pilipino at sinimulan natin ang laban para sa demokrasya sa pamumuno ni CORY. Naibalik niya ang demokrasyang ating inaasam at ipinakita niya ang isang malinis na pamamahala. Sa kanyang termino bilang Pangulo ay wala tayong nakitang dumi na kumapit sa kanyang pagkatao. Siya ang kulay PUTI na sumisimbolo ng KALINISAN, ipinakita niya na kahit siya ang pinakamatas na lider ng bansa ay hindi niya inabuso ang kanyang katungkulan para sa pansariling kapakanan.

Ang ASUL ang simbolo ng PAGKAKAISA at KAUNLARAN sa ating mga kamay nakasalalay ang katuparan ang ating mithiin na magkaroon ng ganap na pagbabago sa ating bansa.

IKAW BILANG ISANG PILIPINO, NASA IYO ANG UNANG HAKBANG TUNGO SA PAGBABAGO.


Please Leave Your Comment!